Ako'y Isang Dakilang Manlalakbay.
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

November 19th, 2004

Nagbabasa ka ba ng komiks?
POSTED AT 12:31 PM



Buksan ang inyong mga mata upang matanaw ang buhay ng isang komikero.




Halina't tuklasin ang aking mundo sa malalim na paningin.


Gusto mo ba akong maging kaibigan?

Friendster ko toh!

email: chained_memories13@yahoo.com

YM ID: komikero_mike

Sa mga may reklamo o sumbong, ipaalam lang sa akin.
Mag-iwan ng message sa entry na ito.

Mas okay po kung may pop-up blocker kayo para maiwasan ang pagkakaroon ng virus habang binibisita ako. Currently listening to: Torete by Moonstar88.
Currently feeling: na totorete


November 24th, 2004

Bad Tripping.
POSTED AT 04:35 PM

Tama nga ang nakasulat sa title ko. Ako ay sadyang pikon at bad trip. Kanina kasi binigyan kame ng 65% sa tatlong science gowins vee ng buntis na physics teacher namin. Hindi dapat ganun eh. Kasi it was like sabi niya okay na lang na hindi namin gawin yung tatlong paper work na yun, then nakita na lang namin nagbigay na siya ng 65! Pakshet! Dahil dun narealize ko na mas masarap pa ang 70! Sige papalampasin ko na lang kasi kakapanganak lang ata niya this month. Buti na lang at hindi na namin siya teacher. I hope for the next remaining months na.

Badtrip ako sa sipon na ito. Para kasi akong aso na palaging snif snif snif. Nakakasira ng pogi points ang lalakeng may sipon.hehehe.
At isa pa, may dalawang tao kasi ang nang-aasar sakin sa tabulas. Opo, dito mismo sa net. Sina pinx at si jordon. Pilit nila akong nililink sa taong di ko naman kilala. Hindi naman ako galit pero nakakapikon lang kasi.

Ewan, dapat sa mga panahon na toh. Maglalaro na lang ako ng video games, FFX2! Yeah. =)


November 23rd, 2004

Ang Musika ng Tabulas.
POSTED AT 07:36 PM

May improvement na naman sa blog ko. I can play a list of songs na sa tabulas, without fucking pop-ups and slow download.

Salamat kay Monique. Without her blog, di ko mapaparinig kay Van ang Burn ni Usher without destroying her pc with pop up viruses.

Sige, update my blog later kasi baka kanta (sermon) na ng nanay ko ang maririnig ko niyan. I'm still sick. I hate being one.


Nilalagnat Ako.
POSTED AT 12:47 PM

I'm sick. Pero nagsusulat pa rin ako para sa tabulas. Malufet talaga oh. Hanep kung kailan ayaw kong magkalagnat at gusto kong pumasok ng class ay nagkaroon naman ako ng hinayupak na sore throat ko. Tapos, akala pa ng iba ay nagkukunwari lang ako. Duh! Sana manalo na ako ng Famas kasi effective masyado ang ubo ko . . .(coughing). Tapos di pa diyan nagtatapos, masakit ang ulo ko at sinisipon pa talaga ako . . . (sniffing)

Hindi naman totally bad ang araw ko kasi nagkaroon pa ako ng BONUS stamp (thank you Lest!) at hindi ako nahirapan sa Trigo exam (teka, hindi ba? o feeling ko lang na tama mga sagot ko). Gusto ko rin sumali sa neo-ethnic dance practice pero sakit talaga ng ulo ko and baka dumami kaming umuubo.

Medyo magulo pa rin buhay ko kasi nag-away na naman ang parents ko kaninang AM. Siyempre, ang ingay sa bahay pero wala namang mga UFO kasi niligpit na ng maid bago may lumipad pa.

Ang saya ko kahapon kasi kahit absent ako ay marami akong natuklasan like paano ihandle ang templates. Yehey! Pwede na rin kayong makinig ng music sa site ko, Torete by Moonstar 88. Astig kasi si Kitchie Nadal kaya yan ang kinuha ko sa iWEB. Pero akala ko kapag ilalagay ko ang iweb html codes sa may template, wala nang magsusulputan na potahng pop ups na yan.

Sa sino mang nakaaalam ng codes para makalagay ako ng series of songs sa site ko. Yung tipong mamimili lang ako ng songs sa list. Patulong naman oh. Huwag kayo maramot.

Sige, hanggang dito na lang kasi pagod na mga kamay ko. Magbasa naman kayo ng ibang entries oh. Salamat. (coughing)

May pagkakaiba ba sa kanilang dalawa?




I'll be giving credits to: Kuya Tofee, sa kanya ko nakuha ang picture na yan.
Currently listening to: Huwag Na Huwag Mong Sasabihin by Kitchie Nadal.
Currently feeling: nilalagnat.


November 22nd, 2004

Kasing JOLOGS ka ba ni Rainier Castillo?
POSTED AT 12:57 PM

Gutom, walang magawa, at naiirita sa kantang "I love you babe". Kung hindi lang talaga ako mabait ay binuhusan ko na ng gasolina at sinindihan ang cassette player ng maid namin dahil apuli-ulit niyang pinapatugtog ang tape ni F4 Wanna Be, Rainier Castillo.

Pero ang napapansin ko talaga kay Marlyn ay habang kumakanta siya, umiiyak ito at nag-eemote.

Ito'y senyales na "in-love kuno", yan naman ang una mong masasabi kung ganyan ang tao maliban na lang kung kandidato na siya para sa Mental.

Sa totoo lang nakokornihan ako pag yan ang pinag-uusapan. Hindi ko nga alam kung bakit 'yan ang entry ko ngayon (dahil kaya sa gutom?)

Kung mag-blog hopping ka sa net ay hinding-hindi mo maiiwasan ang makabasa ng mga blogs na ang mga laman ay ito:

Pakyu siya, pinaasa niya ako tapos ganito ang igaganti niya sa akin. Pakyu siya (ulit), kung magbibigay rason kung ba't kame mag-cool off ay dahil wala lang siyang oras. Pakyu siya!

o di kaya ganito


Ano ang akala niya sa akin, gago katulad niya? Tang-ina naman, bumili nga siya ng utak sa ukay - ukay!

Sample pa lang yan, wala pa yan sa mga extremes na nababasa ko. Naku naman, kung ako yung nasabihan ng mga poetic words na ganyan ay hindi na ako gaganahang mag pakyu-t sa iba at maghahanap na ako ng utak sa ukay ukay.

Minsan kapag may nagtatanong sa akin kung ano ang definition ko about love, eto sagot ko:"When you're inlove, you smile and cry at the same time."
Lagket ng sagot ko noh. Ang kaso hindi pa ako nagkasyota at isang beses pa lang ako nanligaw. Torpe ba? Hindi o rin maintindihan sarili ko. Ganyang lang ata talaga ako.

Pero ang lubos kong hindi naiintindihan ay kung bakit karamihan ng mgas ka-uri ko ay nagloloko. Yung mga may-gf na tapos maghahanap pa ng iba. Hindi raw kasi satisfied at ang tingin sa isang realationship ay paramihan ng gf kagaya ng mga pogs o tex cards. Cool raw kasi ang maging isang player, kagaya ng sabi ni Rai, kailan naging uso ang pagiging "asshole"?

Hindi ba sila tinuruan ns masama ang mag-cheat? Kung may mga digi-lasers ang mga babae ay bilang na lang ang mga buhay na kalalakihan. Ngunit hindi naman lahat ng mga lalake ay puro pakyu at gago. May iilan din na mabait at stick to one (aherm). Hindi lahat ng cheaters ay lalake dahil nakikiuso kuno ang mga iilang kababaihan. Diyan nauso ang mga potah, biatches, at flirts.

Bago mabasa ng nanay ko ang mga foul words ko dito at masabunan ako ng sermon ay magtatanong na lang ako, bakit kailangan natng manakit ng damdamin ng iba para ma-satisfy ang sarili natin?

Alam kong maaring may ibang mga reasons kung bakit nangangaliwa ang isang taopero kung hindi naman LEGAL ang dahilan ay ba't mangangaliwa pa?

Kaya dumadami ang mga episodes tungkol sa suicides at kumikita ang mga jologs na mga kanta tungkol sa sawing pag-ibig (ex. Aray by Mae Rivera) dahil sa mga relationships na ang ending ay puro pakyu at gago.

Ito ang natutunan ko, bago ka magsasabi ng "I love You", "Te Amo", "Gua Ai Di", at "Panoxyl" ay dapat isipin mo muna ng mabuti kung totoo ka ba sa mga salitang binibitawan mo, dapat hindi spur of the moment, yung hindi dahil nakita mo lang siya naka-bikini o nakatrunks ay "I Love You" na kaagad. Alam kong corny kung ito'y iisipin pero mas jologs kaya yung mga nangyayari kapag nagpapakamatay sila o di kaya pinapatay sila dahil sa pag-ibig na yan. Mas jologs ka kung iniiyakan mo ang isang tao na wala namang pagpapahalaga sa iyo. Dapat bago natin sabihin na mahal natin ang isang tao, dapat sakto at totoo at walang hinihinging kapalit, hindi tayo iiyak kung hindi tayo nasuklian ng husto. Isang desisyon na dapat sineseryoso at hindi puro fling fling lang.

Magulo na ang mundo, wag na nating paguluhin pa.

Wala naman siyang kasalanan sa akin. Hindi ko naman siya pinatulan. Wala rin siyang utang sa akin. Pero wala pa ring tatalo sa pagiging Jologs ni Rainier Castillo.


November 21st, 2004

Mga Not-So-Everday Kong Nakita.
POSTED AT 02:53 PM

Kahapon, katatapos ko lang ayusin yung blog ni Tessa from the "looney tune babies - color scheme". Siyempre, wala ako sa bahay kasi pag sa bahay ako mag-iinternet, hindi lang ang computer ko ang amg-iinit kasi pati ang ulo ng inay ko, hot na hot. Ayun, ayos na ang blog ni Tessa. Medyo "gurlash" lang nga siya ika nga ni Rai but cute naman raw.

Pag-alis ko sa internet centre. Tinawagan ako ng kalikasan. In english - call of nature. Medyo ilang hakbang lang naman from the center eh nariyan na ang mindpro mall. Ang swerte ko. Isang piso lang at makakajingle na ako. Pagpasok ko sa mall, may nakita akong mga grupo ng kabataan (ages 15-17).

1st NSE kong nakikita: Mga grupo ng kabataan. Oo nga at wala namang weird kung papakinggan. Pero kung nakita mo ang nakita ko, tiyak weird nga. Lahat sila naka-itim at tila gusto nila ng extension ng "halloween special" ng MGB. Akala nila ata cool sila masyado but para silang mga kulto sa mga suot nila. Lahat ng tao sa mall, sila ang pinapansin. Swerte nila at hindi ako nag-ayos ng mabuti that time.hehehe.joke lang. Kakaiba ang fashion statement nila. Yung mga babae, may mga dangling earings na puro "cross" at "star" ang naksabit. Ewan ko kung gusto nilang icpoy ang statement ni Judy Ann o kaya ni Jolens. Mga lalake naman, may goaty goaty with eye glasses pa na halata namang walang grado.
Okay okay, nice naman ang maging gothic at times but kapag nagkukumpol kumpol na kayo into groups, iba na yan. Lalo na kapag tanghaling tapat ay naka itim ka with turtle neck pa.

Ang gusto nilang iiwan na impression: We're cool. We rock. We are biatches and freaks.

Siyempre, this time umabot na ako sa CR. Bayad ako ng piso. Tapos, aun na. Haayyy. Iba ang feeling. Refreshed. Nung paalis na ako, eto na naman nakita ko, si San Cai!

2nd NSE kong nakita: San Cai. Walang weird sa kanya pero pagtitigan mo ng maiigi. Kamukha niya talaga. Nagkunwari nga akong di tumitingin sa kanya pero grabe parang carbon copy nga.
Actually maraming singkit sa mall. Sayang at hindi ako ipinanganak na instik. Minsan hindi ko na ma-destinguish kung alin si sino. Hmmm,mawawalan niyan ng trabaho si Barbie Xu. Teka, kung di lang ako busy that time, hinanap ko na rin sana ang buong F4 members sa mall. Malay mo.

Dahil dun napadpad ako sa music box at nakita ko ang Rico Blanco CD,hayup! Wala pa kasi akong latest album nila kaya naglaway ako ng husto. So, lumabas na ako sa mall baka maging "winona" pa ako. Bitbit ang punit na ticket galing sa CR nila at 3 pesos sa bulsa ko, naglakad ako pauwi. While walking, may nakita akong bayawak!

3rd NSE kong nakita: Bayawak. Sa mga hindi oriented kung ano ito. Isa tong malaking BUTIKE na nakataas ang animal level! Scary at muntik na akong makagat dahil ako'y masyadong ususero. Nakatali ang leeg nito na parang aso na binibigyan ng dog walk ng kanyang amo. Mabait ang amo. Generous. Gusto niya kameng regaluhan ng takot. Kamukha niya ang bayawak.

Salamat at may awa ang diyos. Pag-uwi ko. May nadatnan akong mga puting daga sa la mesa namin. Buhay sila. Hindi ako natakot natuwa pa nga ako.

Last NSE kong nakita: 4 white mice. Ayan, ewan ko kung ano ang pumasok sa kuya ko at bumili ng mga puting daga. Hindi naman kame nag-aadobo ng daga. Wala naman kameng pusa para ipakain sila. Pero bumili siya. Cute raw kasi. I agree, cute nga nila. Next time, kung tumagal ang life-span ng mga dagang iyan eh magpopost ako ng picture nila.

Tila dahil may bago na kameng pet ay hindi na ito magiging not-so-everyday kasi may aalagaan na akong mga daga,everyday.
Currently listening to: One Good Afternoon by Rivermaya.
Currently feeling: walang magawa


Anong klaseng Gackt ka?
POSTED AT 01:48 PM

Wala lang ata akong magawa today, except for my term paper. Kaya I was browsing some blgos in tabulas and I came across with blogs na idol na idol si Gackt. Hindi ko siya kilala but familiar yung face niya kasi most japanese fanatics ata gustong kinkopya siya. Umabot ako sa mga sandamukal na blogs na picture niya ang andun, although hindi ko pa siya nakikilala or napakinggan ang isa sa mga songs niya eh dahil sa boredom ko I took a test kung aling Gackt raw ako. Lufet, dami niyang variations, parang hopia, may ube, pandan, mongo, pork at chicken pa.hehehe.

Take the quiz: "Which gackt are you?"

intellectual gackt
..smart..handsome..rational...you are intellectual gackt


Hindi lang naman puro si Gackt ang nasa site na yan. Marami pang ibang interesting at weird na mga tests. Kayo na lang bahala kung maniniwala kayo diyan o hinde. Pero mas okay ng mag-respond sa mga ganyan kaysa sa mga chain letters na pinupuno ang inbox ko, siyet. Currently feeling: intellectual gackt kuno


November 20th, 2004

Ang buhay Gargoyle.
POSTED AT 01:17 PM

Kagabi, ang saya sa party ni Mark. Matagal na rin ang klase hindi nag-bonding at puro eskwela na lang ang inatupag. Apat na taon na akong isang Brebeuf Gargoyle, at ang saya ng karanasang ito. Hindi ko nga ito mapapalit sa isang Nokia phone lamang. Dapat kasi latest iPOD ang kapalit.hehehe. joke lang. Masaya ang maging kabilang sa klaseng ito. Lahat na ata andito, iyakan, tampuhan, bangayan, tsismisan, minsan patayan(slight lang), at kung anu-ano pang mga kadramahan sa buhay. Para sakin, the best ang maging isang gargoyle. Kahit hindi kami lahat nagkakasundo atr parating iba iba pa rin ang opinyon namin sa isa't isa, eh isang pamilya pa rin kame.



Brebeuf Gargoyles


November 19th, 2004

B-day ni Mark at ang tabulas ni Raiza.
POSTED AT 04:42 PM

Mamayang 5:30pm ay pupunta ako sa bahay nina Mark (sa tetuan) dahil birthday niya. Wala pa nga akong gift at hindi ko alam kung ano naman ang bibilhin ko. Hmmm, ang alam ko kasi nagkakasundo kami sa anime at hentai.

Babala: Medyo lang "naughty" ang blogger na ito.

Matagal ko na siyang klasmeyt, nung nasa Grade 5 pa kami. Ang alam ko pareho kame ng "taste" sa anime at mas mahilig lang siya sa hentai kaysa sakin. Joke! Wala ata kameng ibang pinaguusapan kung hindi anime at girls/lovelife . Pareho kasi kaming kasali sa SSS: Samahan ng mga Sukdulang Sawi, sa pag-ibig. May sasali ba?

Andito ako ngayon sa net cafe at siyempre may mga pasaway na namang mga potah at walang pakelam kung mag-iingay sila. Mga schoolmates ko sa Ateneo. Ang ingay! Mga Atenista talaga oh.
Kung hindi lang talaga ako mabait, binaril ko na sila para matahimik na.

Sige na nga, papalampasin ko na ang mga maiingay na bunganga nila. Maghahanap pa pala ako ng gift para kay Mark kasi nakahihiya na kasi huling taon na namin sa HS at wala pa rin akong niregalo.

Ang budget ko: P100 isang daan.<- ano kaya ang mabibili ko diyan?

Ang Razzy Frazzy (I STICK) ng Tabulas.

Bisitahin niyo rin pala yung classmate ko, si Raiza.
Click niyo lang ang link below:



Raiza's bloggy

Rai, inaadvertise na kita ngayon.hehehe. Bigay ka rin ng comments sakin. Thanks!

Magaling yang magsulat at mabait pa. Siya yung isa sa mga fineture ko sa blog ko dati. Isa siya sa Girls Galore. Baguhan sa tabulas at worth it basahin ang mga entries niya, pramis


NOTE: Rai, medyo late na lang muna ako sa pictorial natin bukas kasi kailangan ko pang magbayad sa WMSU para sa entrance. Currently listening to: 214 by Rivermaya.
Currently feeling: Busog at masaya


« Newer | »

000000000000